GMA-7 Big Bosses Disappointed with "Amaya"?


Nasagap ko lamang ang balitang ito sa umpukan ng mga nagkukuwentuhang entertainment writers. Usapan ang hindi magandang pagtanggap ng maraming manonood sa napakamahal at pinagandang serye ng itinuturing nilang primetime queen si Ma­rian Rivera. Hindi raw sulit ang gastos, dapat mas mataas pa raw na viewership ang inaasahan ng mga bossing ng network dahil ang katapat naman nilang programa ay hindi kasing mahal ng Amaya. Hindi nila sukat akalain na magkakaroon pala ng chemistry ang pinakawalan nilang action star na si Robin Padilla sa bago nitong kaparehang si Bea Alonzo. Pero sa malas nagkamali sila dahil ang pagpapareha ng dalawa ay nag-anak pa ng intriga na pinagpistahan ng marami at nagbigay ng mileage sa serye nilang Guns and Roses. Pero sa kabila ng pagsasabi ng dalawa na walang romansang namamagitan sa kanila na dapat ipag-alala ng mga ka-partners nilang sina Mariel Rodriguez at Zanjoe Marudo, patuloy pa rin silang tinatangkilik ng manonood.

Gusto kong isipin na mas tinatanggap ng mga manonood hindi lamang ang katapatan ng dalawa kundi ang effort nilang makapagbigay ng isang magandang panoorin ng hindi masasaktan ang kanilang mga minamahal.

May ganitong effort din naman ang mga taga-GMA 7 at maging si Marian, baka lang nagkataon na wala siyang chemistry sa kanyang dalawang leading man.

Dapat din sigurong pakialaman na ng GMA 7 ang awayan nina Marian at Heart Evangelista. Nakakaapekto ito sa Amaya, tanggapin man nila o hindi. At siguradong makakaapekto ito sa pelikula nila sa Regal na Temptation Island.

- Source
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...